‘Bawal Bastos Law’ seminar idinaos sa Muntinlupa

‘Bawal Bastos Law’ seminar idinaos sa Muntinlupa

Dumalo ang halos lahat ng mga enforcers ng Muntinlupa Traffic Management Bureau (MTMB) sa dalawang araw na seminar tungkol sa Safe Spaces Act o Bawal Bastos Law na pinangunahan ni Life coach speaker Hon. Elisa R. Sarmiento-Flores na siya ring Presiding Judge ng Pasig RTC Branch 71.

Ang naturang seminar tungkol sa Republic Act 2019 (Safe Spaces Act/Bawal Bastos Law) ay programa ng City Government of Muntinlupa sa pamununo ni Mayor Ruffy Biazon at ng Gender And Development Office (GAD).

Nagbigay rin ng mensahe si GAD acting head Reggie Salonga patungkol sa gampanin ng bawat isa sa pagpapatupad ng batas.

Dumating din si Trina Reyes-Biazon, butihing maybahay ng alkalde, na naging bahagi rin sa dalawang-araw na seminar. (Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply