PBBM suportado ang pagtatalaga kay Cascolan bilang DOH Usec

PBBM suportado ang pagtatalaga kay Cascolan bilang DOH Usec

Ni Liezelle Soriano

Si dating PNP chief Camilo Cascolan (CNN photo courtesy)

MANILA — Suportado ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagkakatalaga kay dating Philippine National Police (PNP) chief Camilo Cascolan bilang Department of Health (DOH) Undersecretary.

Ayon kay Marcos, magiging great asset si Cascolan ng gobyerno.

Sinabi ni Marcos na habang si General Cascolan ay hindi isang medikal na doktor, maaari siyang magpasimula ng mga reporma sa DOH partikular na habang ang administrasyon ay nagsasagawa ng bureaucratic rightsizing at mga pagbabago sa istruktura.

“Of course, he’s not a doctor, and it’s not health issues that he has to look at. That’s why he doesn’t have to be a doctor. He’s going to look at the function of the DOH,” sinabi ng Pangulo nitong Miyerkules.

“We talk about rightsizing, we talk about structural changes. ‘Yun. We need somebody to examine what has been going on, ano ‘yung maganda, ano ang hindi maganda, ano ang pwedeng mas maayos, that will be his function kaya special concerns,” paliwanag pa ni Marcos.

Mahigit 100 araw sa kanyang administrasyon, hindi pa nakakapagtalaga si Marcos ng kalihim ng DOH.

Ang departamento ay kasalukuyang pinamumunuan ni OIC Maria Rosario Vergeire.

Magugunitang binatikos kamakailan ni Senator Risa Hontiveros ang pagkaka-appoint ni Cascola bilang Undersecretaty ng ahensyang pangkalusugan dahil ayon sa mambabatas hindi naman ito doktor kundi dating pulis. (ai/mtvn)

Leave a Reply