Traffic enforcers ‘wanapakels’ sa mga walang gobyernong Badjaos na palasabit sa jeep

Traffic enforcers ‘wanapakels’ sa mga walang gobyernong Badjaos na palasabit sa jeep

Karaniwan nang tanawin sa mga lansangan tuwing sasapit ang Pasko ang pagsulpot ng mga katutubong Badjao na namamalimos o dili kaya’y aakyat sa loob mga bus at jeep upang manghingi ng barya sa mga pasahero.

At ang lalong hindi maganda rito ay tila bagang nakagawian na rin ng mga Badjao ang pagpalipat-lipat ng mga jeepney at walang takot na sabay-sabay na sumasabit sa gawing likuran ng jeep gayong super bawal ang sumabit dahil sa sobrang kadelikaduhan nito.

Tameme na lamang ang batas dito at tila bagang “wanapakels” ang mga traffic enforcers sa kanila o nagsawa na’t napagod na sa kakasaway sa mga walang gobyernong Badjao.

Ang mga larawang narito ay kuha sa kahabaan ng East Service Road Taguig City ngayong Miyerkules (26 Oct 2022).
(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply