PBBM binati si Xi Jinping nang muling mahalal na pinuno matapos ang CCP Congress, nangakong patuloy na palalakasin ang ugnayan ng ‘Pinas at Beijing

PBBM binati si Xi Jinping nang muling mahalal na pinuno matapos ang CCP Congress, nangakong patuloy na palalakasin ang ugnayan ng ‘Pinas at Beijing

Ni Liezelle Soriano

MANILA — Binati ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Huwebes si President Xi Jinping matapos na muling mahalal na pinuno ng China kasunod ng idinaos na Communist Party Congress.

Sinabi ni PBBM na patuloy na palalakasin ng Pilipinas ang ugnayan nito sa Beijing.

Nakuha ni Xi Jinping ang ikatlong termino bilang pinuno ng China matapos siyang ihalal ng Central Committee of the Chinese Communist Party bilang pangkalahatang kalihim nito para sa panibagong limang taon na termino.

Ito ang sinabi ni Marcos sa kanyang speech sa groundbreaking ceremony ng Samal Island-Davao City Connector (SIDC) bridge project na inisponsoran ng China.

“We look forward to building upon the directions that your President, President Xi Jinping has given to the People’s Republic of China, in partnership with the Philippines,” ayon kay Marcos.

“We look forward to continuing to strengthen and to bring closer our two countries,” dagdag pa niya.

Ang nasabing bridge project, na inaasahang magpapalakas ng turismo at ekonomiya sa Davao, ay popondohan sa pamamagitan ng loan agreement na nagkakahalaga ng US$350 milyon o P18.67 bilyon sa pagitan ng Pilipinas at China.

Nauna nang sinabi ni Marcos na patuloy na makikipag-ugnayan ang Pilipinas sa China sa mga tao, relasyon sa ekonomiya at kultura.

(ai/mtvn)

Leave a Reply