Mga panindang pang-halloween mabenta na

Mga panindang pang-halloween mabenta na

Nagkalat na at mabenta sa pamilihan ngayon ang iba’t ibang uri ng rekisitos na pang-Halloween gaya ng mga nakakatakot na maskara na naka-display sa tindahang ito na matatagpuan sa National Road Barangay Putatan, Muntinlupa City.

Ang mga maskarang katulad nito ay patok dahil sa nalalapit na Undas sa darating na Nobyembre 1-2, 2022.

Bagama’t ang Undas ay isang tradisyong ginugunita ng sangkatauhan sa buong mundo bilang pagpupugay sa mga yumaong mahal sa buhay na sinasabayan naman ng mga negosyanteng magbenta ng mga nakakatakot na maskara habang papalapit ang araw na ito. (Photo by Peter Lacang/ai/mtvn)

Leave a Reply