Ulirang traffic enforcer tumanggap ng papuri mula kay LTO chief Guadiz

Ulirang traffic enforcer tumanggap ng papuri mula kay LTO chief Guadiz

MANILA — Tumanggap si Field Enforcement Division Law Enforcement Service
Butch S. Sebastian ng Certificate of Commendation mula kay Land Transporation Office (LTO) Chief Teofilo Guadiz III dahil sa natatangi nitong paglilingkod sa kanyang tungkulin bilang traffic enforcer.

Si panayam kay Sebastian, kaugnay diumano ang komendasyon mula sa isang insidente na kinasasangkutan ng isang sport utility vehicle (SUV) driver na gumamit ng wangwang at blinker at sumagasa sa kanyang paa habang nagmamando siya ng trapiko sa bahagi ng EDSA busway sa Caloocan City noong Oktubre 14, 2022.

Base sa paunang imbestigasyon, nakilala ang driver ng SUV na si Felix
Malapitan Luakin Jr. na napag-alamang pinsan ni Caloocan City Mayor
Dale Gonzalo ‘Along’ Malapitan.

Si Luakin ay papadalhan ng show cause order maging ang rehistradong
may-ari ng sasakyang Ford Everest na may plakang C4 N604 na sangkot sa insidente.

Dahil sa pangyayari, umaapela ngayon si Sebastian sa mga motorista na respetuhin ang mga batas trapiko gayundin ang mga traffic enforcer na nagpapatupad lamang ng batas. (Aj Rabulan/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply