AZURIN NAG-IKOT SA MGA SEMENTERYO, TRANSPORT TERMINALS

AZURIN NAG-IKOT SA MGA SEMENTERYO, TRANSPORT TERMINALS

Ni Arwen Pascua

MANILA — Upang matiyak na ligtas sa masasamang loob o mga terorista, pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang inspection sa mga sementeryo sa buong Metro Manila at mga transport terminals.

Unang tinungo ng pinuno ng kapulisan ang Manila North Cemetery bago tumungo sa iba pang pangunahing sementeryo sa Kalakhang Maynila kasama ang iba pang PNP unit commanders.

Kabilang din ang mga bus terminals, pantalan at paliparan na mga pinuntahan ng liderato ng PNP.

Kalakip din sa mga bubusisiin ng tropa ni Azurin ang tamang deployment ng kanyang mga tauhan at kung nasusunod ang health protocols sa nabanggit na mga lugar na maaaring dagsain ng mga papauwi sa probinsya lalo na’t pandemya pa rin.

Pinaalalahanan din ng PNP chief ang publiko na sumunod sa mga regulasyon sa mga sementeryo at huwag magbitbit ng mga ipinagbabawala mga bagay gaya ng alak, patalim, maingay na radyo at iba pa.

Ang mga magbabakasyon ay dapat tiyakin na ligtas ang iiwang bahay dagdag pa niya. (ai/mtvn)

Leave a Reply