Bagong LTO branch sa Zabarte town Center pinasinayaan

Bagong LTO branch sa Zabarte town Center pinasinayaan

PINANGUNAHAN nina Ms. Marivic Murillo, Zabarte Mall Leasing Head; Pio Paolo E. Erta, OIC. Administrative Division; at Ferdinand M. Magno, hepe ng Caloocan District Office ang blessing at ribbon cutting ng bagong bukas na Land Transportation Office (LTO) sa Zabarte Town Center Mall sa North Caloocan City nitong Biyernes (28 Oct 2022).

Malaking ginhawa naman para sa mga motoristang kukuha pa lamang ng lisensya o dili kaya’y mag-rerenew dahil hindi na sila pupunta at babyahe pa ng napakalayo dahil sa bagong bukas ng LTO branch sa North Caloocan.

Sa unang araw ng pagbubukas nito ay dinagsa na agad ng mga mag-rerenew at kukuha pa lamang ng lisensya ang naturang tanggapan ng LTO bukod sa mabilis ang proseso ay magagalang at maayos ang pakikipag-usap ng mga empleyado sa nasabing tanggapan. (AJ RABULAN/ai/mtv)

Leave a Reply