PBBM nangakong padadaliin ang gov’t process para sa mga negosyo

PBBM nangakong padadaliin ang gov’t process para sa mga negosyo

Ni Liezelle Soriano

Si President Bongbong Marcos (kaliwa) kasama ang iba pang government officials (Manila Standard photo courtesy)

MANILA — Kinilala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Biyernes (28 Nov 2022) ang kahalagahan ng micro, small and medium enterprises (MSMEs) businesses habang bumabangon ang bansa mula sa pandemya.

Sinabi ni Marcos na nananatiling nakatuon ang gobyerno sa pag-streamline ng mga kasalukuyang proseso at gawing mas madali para sa mga negosyo na umunlad.

“Let me assure you that the government remains dedicated to streamline existing processes and making it easier for businesses to thrive,” sinabi ni Marcos said sa ribbon cutting ng Small and Medium Enterprises (SME) Hub sa Savya Financial Center sa Taguig City.

“We will continue to initiate worthwhile programs to give our kababayans enough space and resources to maintain, start, and even restart their ventures,” dagdag pa niya.

Hinikayat ni Marcos ang lahat ng MSMEs sa bansa na gamitin ang kasalukuyang tulong pinansyal at pasilidad na ibinigay ng pamahalaan kasama ang mga katuwang nitong institusyon upang mapakinabangan ang kanilang potensyal na paglago.

Pinayuhan din sila ng Pangulo na yakapin ang information and communications technology (ICT) para sa digital transformation ng bansa upang matiyak ang pagpapatuloy ng negosyo sa gitna ng COVID-19 pandemic at matugunan ang lumalaking pangangailangan ng mga negosyo at consumer.

(ai/mtvn)

Leave a Reply