Telcos inatasan ng NTC na ihanda ang mga tauhan at kagamitan sa mga lugar na apektado ng bagyong Paeng

Telcos inatasan ng NTC na ihanda ang mga tauhan at kagamitan sa mga lugar na apektado ng bagyong Paeng

Photo courtesy of the International Federation of Journalists

MANILA — Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng public telecommunications entities na tiyakin na handa sa pinsalang maaaring idinulot ng bagyong Paeng.

Ayon sa NTC, base sa forecast ng PAGASA, maaaring maapektuhan ng bagyo ang Visayas, Southern Luzon, at northern at western portions ng Mindanao.

Sa inilabas na memorandum ni NTC Commissioner Atty. Ella Lopez, iniutos nito ang pagtitiyak na mayroong sapat na bilang ng technical at support personnel, standby generators na may extra fuel, at iba pang gamit sa mga lugar na tinamaan ng bagyo.

Iniutos din ni Lopez na madaliin ang repair at restoration ng telecommunication services kung mayroong nasira ng bagyo.

Kasabay nito ay inatasan din ang mga network company na magtalaga ng Libreng Tawag at Libreng Charging Stations sa mga naapektuhang lugar.

Samantala, sa hiwalay na memorandum no Cordoba, inatasan nito ang lahat ng regional directors ng NTC na makipagtulungan sa ibang ahensya ng pamahalaan sa pagbibigay ng serbisyo para sa Undas.

Inatasan ni Cordoba ang mga opisyal ng NTC na makipag-ugnayan sa NDRRMC, Civic Action Groups, at Amateur Radio Groups na magkakasa ng public assistance operations sa Undas.

Pinayagan din ang mga regional director ng NTC na magpalabas ng temporary permits at licenses para masiguro ang pagbibigay ng tulong at pagtitiyak ng kaligtasan ng publiko.

Inatasan ang regional offices ng NTC na i-monitor ang operasyon ng CAGs at ARGs sa kani-kanilang hurisdikasyon at magsumite ng updated report kay Lopez. (ai/mtvn)

Leave a Reply