UNDAS UPDATE: Kapulisan naka-deploy na sa mga sementeryo

UNDAS UPDATE: Kapulisan naka-deploy na sa mga sementeryo

Naka-antabay na ang mga pulis ng Sub-station 2 sa harap ng Aguilar Cemetery sa Barangay Putatan, Muntinlupa City para magbantay sa seguridad ng publiko sa paggunita ng Undas ngayong taon (Nov. 1-2, 2022).

At sa mga bibisita sa kanilang mga kaanak sa sementeryo ay may mga mahahalagang paala-ala ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa tulad ng pagsunod pa rin sa mga health protocol, bawal isama ang mga bata at senior na, limitadong oras ng pagpunta at pag-uwi, walang libing o cremation sa dalawang-araw ng paggunita ng Undas, limitado sa tatlong oras ang pagbisita at ngayong araw (Biyernes, 28 Oct 2022) na lamang ang paglilinis at pagpintura (Oktubre 28, 2022).

Ipinagbabawal din sa mga bibisita ang magdala ng firearms, mga mga matutulis na bagay, flammable materials, inuming nakalalasing, mag-ingay at ang mamalagi magdamag sa sementeryo.

Ito ay mga paala-ala sa lahat ng dadalaw sa sementeryo ngayong Undas mula sa pamahalaang lungsod ng Muntinlupa habang ang kapulisan ay nakabantay na mula ngayong araw hanggang sa araw ng Undas. (Photo/Text by Peter Lacang/ai/mtvn)

Leave a Reply