Pimentel umaasang magtatalaga na si PBBM ng permanenteng DA chief

Pimentel umaasang magtatalaga na si PBBM ng permanenteng DA chief

By Liza Soriano

MANILA — Umaasa si Senate Minority Leader Koko Pimentel na magtatalaga na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng full-time Agriculture Secretary sa mga susunod na araw.

“Sana mag-appoint na siya ng full-time secretary sa agriculture. Pero ang akin ngang point is nothing prevents the President from focusing still on agriculture pero meron ka nang napiling secretary na katulong mo ‘di ba? Eh di magtulungan kayo,” ayon kay Pimentel.

Sinabi ni Pimentel na dapat pumili si Marcos ng isang taong pamilyar sa mga usaping pang-agrikultura at isang taong may puso na lutasin ang mga problema ng mga ordinaryong Pilipino, tulad ng access sa pagkain at ang mga presyo ng mga produktong agrikultura.

Kamakailan, sinabi ng Pangulo, na nagsisilbing kasabay na Kalihim ng Agrikultura, na aalis lamang siya sa kanyang puwesto kapag nagawa na ang mga pagbabago sa istruktura sa naturang departamento. (ai/mtvn)

Leave a Reply