Barangay Bagong Silangan sa QC lubog sa baha

Barangay Bagong Silangan sa QC lubog sa baha

Bumungad ngayon umaga ang malalim na baha sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City matapos dumaan ang bagyong Paeng at magdamag na umulan. Pero sa kabila ng lahat ay nakangite pa rin na hinahakot ng binatilyong ito ang mga mahahalagang gamit nila sa loob ng bahay. Ang iba naman ay nagsilikas na at pansamantalang nasa mga evacuations center.

Tinatayang nasa nasa 5,056 na individual ang inilikas mula sa tabing ilog sa Barangay Bagong Silangan sa Lungsod ng Quezon dahil sa pag-apaw ng ilog dulot ng walang tigil na pag ulan dala ng bagyong Paeng.

Wala namang napaulat na napahamak sa barangay lalo na sa mga nakatira sa tabing ilog maliban sa baha na kanila ngayong kinakaharap. (Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply