Kamara nais baguhin ang 2023 budget sa mga napinsala ng ‘Paeng’

Kamara nais baguhin ang 2023 budget sa mga napinsala ng ‘Paeng’

Ni Liezelle Soriano

MANILA — Balak ayusin ng House of Representatives ang panukalang pambansang badyet para sa 2023 para sa rehabilitasyon ng mga lugar na napinsala kamakailan ng Tropical Storm Paeng.

Ito ang inihayag ni Speaker Martin Romualdez sa isang pahayag nitong Linggo matapos na manawagan ng pagsusuri sa pinsalang dulot ng ‘Paeng’ sa ilang bahagi ng bansa.

“I have requested my fellow members of the House of Representatives to help the executive departments and agencies assess the damage caused by the STS Paeng and assist in relief operations in their respective districts,” ani Romualdez.

Idinagdag niya na hiniling na niya sa House Appropriations Committee na lumikha ng isang compilation ng pinsala na inassess ng mga miyembro ng Kamara at mga executive office.

Ito ay upang matulungan nila sa pagrepaso sa mga posibleng pagsasaayos sa paglalaan ng badyet para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar sa ilalim ng iminungkahing 2023 General Appropriations Act.

Kamakailan ay naipasa na ng Kamara ang panukalang badyet para sa susunod na taon sa ikatlo at huling pagbasa.

Nakatakda na ngayon ang Senado na pagusapan ito pagkatapos na ipagpatuloy ng Kongreso ang sesyon nito sa Nobyembre 7 bago pumunta sa bicameral conference committee.

“The House of Representatives will also use its power over the purse to see to it that rehabilitation of affected communities will proceed unhampered as soon as the relief stage is completed,” dagdag pa ni Romualdez. (ai/mtvn)

Leave a Reply