Marikina River pataas na sa critical level

Marikina River pataas na sa critical level

Patuloy ang pagtaas sa critical level ng water level sa Marikina River ngayong araw (Sabado, 29 Oct 2022) dahil sa patuloy ng pagbuhos ng ulan sanhi ng bagyong Paeng.

Malapit na itong umabot sa 18 meters, na pwede nang maituring na critical water level partikular dito sa parte ng Barangay Bagong Silangan, Quezon City.

Kaya naman ang mga opisyal ng barangay ay naglilibot rito at hinihikayat na ang mga nakatira sa tabing ilog na lumikas dahil sa patuloy ang pagtaas ng tubig.

Sa ngayon ay Signal Number 3 sa buong Metro Manila at naka-antabay ang mga lokal na pamahalaan ng Quezon City at Marikina sa pagmonitor ng pagtaas ng tubig-ilog at pagbaha sa mabababang lugar. (KLI/ai/mtvn)

Leave a Reply