Muntinlupa evacuation centers nakahanda na sa mga bakwit ng bagyong Paeng

Muntinlupa evacuation centers nakahanda na sa mga bakwit ng bagyong Paeng

Naihanda na ng rescuers sa Barangay Putatan sa lungsod ng Muntinlupa ang pangalawang evacuation center ng mga residenteng ililikas sa pagbaha dulot ng bagyong Paeng.

Inilatag na rin nila ang mga tents na pansamantalang matutuluyan at tulugan ng mga bakwit na mga residente ng barangay.

Ang punong-lungsod na si Mayor Ruffy Biazon ay nakamonitor magmula pa kahapon sa bagyong Paeng. Nag-iikot siya sa buong lungsod partikular sa mga binabaha para umantabay. Nais ng alkalde na ligtas ang lahat ng mga Muntinlupeño sa pagdaan ng bagyong Paeng. (Photo by Peter Lacang/IAmigo/mtvn)

Leave a Reply