Pamunuan ng Maynila nagsagawa ng ‘Oplan Libreng Sakay’ sa stranded na mga pasahero

Pamunuan ng Maynila nagsagawa ng ‘Oplan Libreng Sakay’ sa stranded na mga pasahero

Nagsagawa ng libreng sakay ang pamumuan ng lungsod ng Maynila upang matulungan ang mga stranded na mga pasahero dahil sa epekto ng bagyo.

Ito ay alinsunod sa direktiba ng punong lungsod ng Maynila na si Honey Lacuna na mabigyan ng ligtas na transportasyon upang makauwi na sa kani-kanilang bahay ang mga pasahero lalo na’t nanatiling malakas ang pag-ulan dulot ng bagyong Paeng.

Ang ruta ng OLS ay mula sa Pedro Gil ,Taft hangang Monumento, Caloocan. (KIARA LAUREN IBANEZ/AI/MTVN)

Leave a Reply