Maynilad wala pa ring aksyon sa sirang tubo, bulwak ng tubig patuloy ang agos

Maynilad wala pa ring aksyon sa sirang tubo, bulwak ng tubig patuloy ang agos

Bulwak pa rin ang tubig mula sa tubo ng Maynilad sa bahaging ito sa East Service Road Barangay Alabang, Muntinlupa City kaninang umaga kaya naman dito na nakuhang magwashing ng tricycle ang ilang driver at maligo ng mga bata.

Ayon sa mga residente rito, magdadalawang araw na diumano ang pagtagas ng tubig at naitawag na raw nila sa pamunuan ng Maynilad ngunit ang kanilang ipinagtataka ay kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring aksyon ang naturang water concessionaire. (Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply