Mga dalaw sa MNC dismayado sa pamunuan ng sementeryo at kapulisan dahil sa maagang oras ng pagsasara

Mga dalaw sa MNC dismayado sa pamunuan ng sementeryo at kapulisan dahil sa maagang oras ng pagsasara

Maraming pamilya ang nadismaya at naglabas ng kanilang galit nang ang mga ito ay abutin na ng cut-off at pinagbawalan na silang makapasok sa sementeryo dahil sa reglamento ng mga kapulisan at ng pamunuan ng Manila North Cemetery partikular na ang pagsasara ng gate ng sementeryo sa hapon.

Alas-4:30 ng hapon ang cut-off na itinakda ng lungsod ng Maynila ngunit marami pa ring pamilya ang hindi nakakaalam kaya’t nang ipinag-utos na ng pamunuan ng MNC at ng mga miembro ng MPD na isara na ang gate ay nadismaya ang mga nakapila.

Ganun din ang mga dalaw na nasa loob ay obligado ring lisanin na ang mga puntod na kanilang mahal sa buhay na pumanaw at dinalaw sa libingan. (Kiara Lauren Ibanez/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply