Pagdedeklara ng 1 taon na state of calamity sa buong bansa dahil kay ‘Paeng’ ibinasura ni PBBM

Pagdedeklara ng 1 taon na state of calamity sa buong bansa dahil kay ‘Paeng’ ibinasura ni PBBM

Ni Liezelle Soriano

MANILA — Naniniwala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi kailangan ang deklarasyon ng isang taong national state of calamity dahil sa Severe Tropical Storm Paeng.

Nauna nang hinimok ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang Pangulo na gumawa ng naturang deklarasyon upang matugunan agad ang epekto ni ‘Paeng’.

“I don’t think it’s necessary… Hindi naman kasi extensive. Very, very highly localized ang mga damage,” ayon kay Marcos nitong Lunes.

Sinabi ni Marcos na ang Quezon, Cavite, at Maguindanao ay lubhang apektadong lugar. Kaya naman, hindi na kailangang magdeklara ng state of national calamity sa ibang bahagi ng bansa.

“I think we will focus better if we stay with the calamity status as we have now,” ayon sa Pangulo.

Nagsagawa ng aerial inspection si Marcos sa mga lugar na sinalanta ni ‘Paeng’, na nagdulot ng malawakang pagbaha.

Aabot sa 98 na indibidwal ang nasawi dahil kay ‘Paeng’ at 590,990 pamilya o humigit-kumulang 1.9 milyong katao ang naapektuhan. (ai/mtvn)

Leave a Reply