UNDAS 2022: Damadalaw sa sementeryo, marami-rami na

UNDAS 2022: Damadalaw sa sementeryo, marami-rami na

Marami-rami na rin ang dumadalaw ngayong araw (31 Oct 2022) sa mga sementeryo tulad ng narito sa larawan na kuha sa Serenity Cemetery sa Barangay 171, North Caloocan City para mag-alay ng mga bulaklak, panalangin, at magtirik ng kandila sa puntod ng kani-kanilang mga mahal sa buhay.

Ang mga kapulisan naman ay nakaantabay na kasama ang mga kawani ng Public Safety Department and Traffic Management, Caloocan Environmental Management Department at ilang mga volunteer.

Sa ngayon, ayon sa mga awtoridad dito ay tahimik at matiwasay ang paligid ng sementeryo at wala pang ano mang problema silang natatanggap. Gayunpaman, hindi rin umano dapat maging kampante at kailangang maging mapagmasid at attentive sa lahat ng oras lalo sa araw ng Undas bukas. (Photo by Peter Lacang/ai/mtvn)

Leave a Reply