UNDAS 2022 UPDATE: Dalaw sa mga puntod ng sa MNC, MSC bumuhos na

UNDAS 2022 UPDATE: Dalaw sa mga puntod ng sa MNC, MSC bumuhos na

Ni Benjamin Cuaresma

MANILA — Umabot sa kabuuang 42,422 katao ang pamilyang dumagsa sa Manila North Cemetery upang mag alay ng panalangin, kandila, at bulaklak sa mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay ayon sa datos na binigay ng Manila Public Information Office dakong alas-4 ng hapon kanina (Lunes, 31 Oct 2022) bago isara ng tuluyan ang sementerio ng mga miyembro ng Manila Police District at pamunuan ng MNC.

Sa kabilang banda naman, sa South Cemetery, umabot na ang bilang ng mga pumasok na dalaw sa 13,430 bago ito magsara ng kawangis na oras.

Ngunit ayon sa isang hiwalay na balita, libo-llibo ang nagalit sa pamunuan ng dalawang malalaking sementeryo ng Maynila at sa mga kapulisan dahil sa maagang pag-sasara ng mga ito at hindi sila naabisuhan ng maayos ayon sa ilang nainterbyu.

Hindi naging hadlang sa mga bisitang ito ang sama ng panahon madalaw at makapagtirik man lang ng kandila, mag-alay ng bulaklak sa mga puntod ng kanilang mahal sa buhay.

Sa kabila nito, apat (4) na ‘di bakunadong bata ang pinagbawalang makapsok at 28 katao na sa may ibang kadahilanan ang hindi rin pinayagang makapasok.

Bukod dito nakakumpiska din ang mga otoridad ng mga bagay na ipinagbabawal kagaya ng 696 pakete ng sigarilyo, 308 lighters at 17 na bagay na matutulis. (ai/mtvn)

Leave a Reply