Delivery truck na-carnap sa San Rafael, Bulacan

Delivery truck na-carnap sa San Rafael, Bulacan

Malaking problema ngayon ang kinakaharap ng isang negosyanteng nakarnapan ng kanyang delivery truck na Mitsubishi L300 Dropside (TDS 646) dakong alas-9 kagabi (October 31,2022) sa Barangay Capihan San Rafael, Bulacan sa loob ng dating compound ng Lipton Garments.

Ayon sa may ari ng delivery truck na si Jonald Amora, ipinarada nila ng alas-8 Lunes ng gabi at nang gagamitin na nila ito para magdeliver ng madaling araw ay wala na ang kanilang truck kung saan ito iniwan. Nakita na lamang ito na nasapol ng CCTV ng barangay na may tumangay at minaneho ito sa direksyon ng Baliuag, Bulacan.

Kaya naman laking panlulumo ng negosyante sa pagkawala ng kanyang truck na hindi niya akalaing maka-carnap ito sa pagsapit ng Undas. Nagpa-blotter na rin sila barangay at kapulisan na umaasang maibalik pa sana sa kanila ang na-carnap nilang truck. (Photo by Peter Lacang/ai/mtvn)

Leave a Reply