HEIGHTENED ALERT STATUS PINALAWIG PA NG PNP

HEIGHTENED ALERT STATUS PINALAWIG PA NG PNP

Ni Arwen Pascua

MANILA — Pinalawig pa ng Philippine National Police hanggang Nobyembre 4 ang kanilang heightened alert status para sa mandatoryong face-to-face classes na magsisimula Nobyembre 2, ayon kay Police Colonel Jean Fajardo, spokesperson ng Pambansang Pulisya.

Una nang inilagay sa full alert ang PNP para sa long weekend bilang paggunita sa All Saint’s Day at All Soul’s Day na nagsimula nitong Oktubre 31.

“Yung ating full alert status ay mananatili hanggang November 4 in anticipation nga nitong simula ng face-to-face classes,” ayon kay Fajardo.

Sinabi ni Fajardo ang deployment ng police personnel ay nakatuon sa Metro Manila areas.

Habang ang Regional police directors naman ang bahalang mamahala kung palalawigin ang heightened alert status.

Kabilang naman sa inaasahan ng PNP headquarters ay ang paglalagay ng police desk assistance para sa mga estudyante, guro at magulang upang matiyak na ligtas ang pagtungo nila sa mga paaralan.

Inaasahan na mas marami ang lalabas ng bahay patungo ng paaralan dahil sa full implementation na ang in-person classes sa mga pampublikong paaralan sa Nobyembre 2 na alinsunod sa Department of Education Order No. 44 na.

Habang ang ang mga private schools naman ay binigyan pa ng opsyon para ituloy ang blended learning modality na tatagal ngayong academic school year.

Ngayong academic year ay nagpatupad ng combined in-person classes at distance learning na nagsimula nitong Agosto 22. (ai/mtvn)

Leave a Reply