18 na pamilyang nasunugan sa Pasig nangangailangan ng tulong

18 na pamilyang nasunugan sa Pasig nangangailangan ng tulong

Halos hindi na maaninag dahil sa usok na tumambad sa kanila ang mga bumberong ito na rumesponde sa sunog kahapon ng hapon sa Agapito Subdivision, Barangay Rosario, lungsod ng Pasig na tumupok ng 10 kabahayang.

Nangangailangan diumano ng tulong, pagkain, damit, sapin sa kanilang mahihigaan, kumot at mga gamot ang 18 pamilyang naapektuhan ng sunog lalo na ang mga bata.

Sabi ng isang responder, ‘di bale na raw na manakawan huwag lang daw masunugan dahil lahat ng naipundar mo ay mawawalan ng saysay.

Buti na lamang at wala namang nasaktan sa insidente ng sunog maliban sa kabahayang nasunog at pamilyang nawalan ng tahanan.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply