9 nominado sa ’22 outstanding employee awards ng Muntinlupa

9 nominado sa ’22 outstanding employee awards ng Muntinlupa

Isa-isang iniharap at tinatanong sa panel ng ‘Praise Committee’ ang siyam (9) na mga kawani ng Muntinlupa na mga nominado para sa “2022 Outstanding Employee” ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa para sa second at third quarter awards na pinangunahan ni Administrator Engr. Allan Cachuela na chairperson ng Committee.

Anim sa kanila ang mapipili at mabibigyan ng awards (Program on Awards and Incentives for Service Excellence) sa darating na Lunes (November 7, 2021).

Kabilang sa mga panelists ay sina Human Resource Management Department Head Ms. Elizabeth Gaviola, City Budget and Management Department Head Mr. Necito Guico, City Planning and Development Office EnP. Alvin Veron, Ms. Heddy Yell Santos, Mr. Carlo Konkle, Ms. Elijah Rose Villareal, Ms. Princess Fuentes, at Guest Panelists na sina Concilor Paty Katy Boncayao-Barreto, at General One Resource Service and MPC General Manager Ms. Soledad Hernandez. (Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply