Alternative learning delivery mode sa mga nasirang public schools pinayagan ng DepEd

Alternative learning delivery mode sa mga nasirang public schools pinayagan ng DepEd

Ni Arwen Pascua

DepEd Spokesperson Michael Poa

MANILA — Dahil umabot sa 261 na mga pampublikong paaralan ang nawasak ng bagyong Paeng, habang 528 naman ang ginawang evacuation centers, papayagan ng Department of Education ngayon ang paggamit ng alternative learning delivery mode para sa mga ito.
Ito ang nilinaw ngayong Huwebes ni DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa sa mga paaralan na hindi pa rin kayang tumalima sa mandatory na in-person classes.

Marami pa rin aniya ang eskwelahan ang hindi pa nalilinis at ginagamit pa na evacuation center sa ngayon.

Ang alternative learning delivery mode ay ang paggamit ng module na pasasagutan sa mga bata na maaaring hard copy o digital depende sa lokasyon nito.

Maikokonsidera din umano itong blended learning dahil oras na maayos naman ang paaralan ay babalik na sila sa full implementation ng face-to-face classes na sinimulan na nitong Martes (02 Nov 2022). (ai/mtvn)

Leave a Reply