Bulacan Ladies Riders Club president utas sa riding in tandem

Bulacan Ladies Riders Club president utas sa riding in tandem

Agad na binawian ng buhay ang presidente ng Bulacan Ladies Riders Club na si Mary Joy Gonzales De Jesus (36) matapos na paputukan ito ng dalawang beses ng riding in tandem dakong alas-9:30 ng gabi nitong Miyerkules (Nov 2, 2022) sa Road 1, IPO Road, Barangay Minuyan Proper, City of San Jose Delmonte (CSJDM), Bulacan,

Ayon sa mga imbestigador ng kaso na sina PCpl Dante De Guzman at PCpl Jeremiah David Bangayan, ang biktima ay lulan ng kanyang motorsiklo (Suzuki 658 ROK) at binabaybay ang IPO Rd, patungong Minuyan Proper, Bulacan at may back rider pa nang paputukan ito.

Ang back ride ng biktima ay ligtas at walang natamong pinsala sa insidente ng pamamaril na patuloy na iniimbistigahan pati na ang pagkalap ng mga ebidensya at pag-backtracking ng CCTV upang mahuli ang mga salarin at makamit ang hustisya ng mga kaanak ng biktima.

Napag-alamang na ang biktima ay aktibo ring auxiliary volunteer ng PNP. (Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply