500 benepisyaryo ng TUPAD sa Malabon dumaan sa oryentasyon

500 benepisyaryo ng TUPAD sa Malabon dumaan sa oryentasyon

Upang magampanan ng maayos ang kanilang tungkulin, dumaan sa karampatang orientation ang may 500 na benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced (TUPAD) Workers sa Malabon Sports Complex nitong Biyernes (04 Nov 2022).

Naisakatuparan ang TUPAD ng Malabon sa tulong ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pakikipag-ugnayan ng Public Employment Service Office (PESO) ng lungsod.

Ito’y malaking tulong para sa mga kababayang higit na nangangailangan ng sahod sa pamamagitan ng pansamantalang hanapbuhay. (AJ RABULAN/ai/mtvn)

Leave a Reply