Ilang kalsada sa U-Belt, Taft Avenue isasara sa mga araw ng Bar exams

Ilang kalsada sa U-Belt, Taft Avenue isasara sa mga araw ng Bar exams

Ni Liezelle Soriano

MANILA — Ilang kalsada sa paligid ng dalawang unibersidad sa Maynila ang isasara sa mga motorista partikular na sa Nobyembre 9, 13, 16, at 20 para sa 2022 Bar examinations, ayon ng public information office (PIO) ng Manila nitong Biyernes.

Sa isang public advisory, sinabi ng Manila PIO na ang traffic rerouting schemes ay ipapatupad sa mga lansangan ng University Belt na malapit sa San Beda University at sa De La Salle University, kung saan nakatakdang isagawa ang mga exam.

Ang mga kalsadang isasara:

Malapit sa San Beda University

Mendiola Street – sarado mula alas-2 ng umaga hanggang alas-8 ng umaga at alas-4 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi
Concepcion Aguila Street – isang lane ang magagamit lamang ng mga awtorisadong sasakyan ng mga residente sa loob ng lugar
1st, 2nd, 3rd, and 4th Street – sarado mula alas-2 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi

Ang alternatibong ruta mula sa Ramon Magsaysay Boulevard ay dadaan sa Legarda Street.

Malapit sa De La Salle University

Taft Avenue Northbound – sarado mula alas-2 ng umaga hanggang alas-8 ng umaga at alas-4 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi
Taft Avenue Southbound – sarado mula alas-2 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi

Pinapayuhan ang mga southbound motorist na kumanan sa Quirino Avenue, kumaliwa sa Adriatico Street, at pagkatapos ay kumaliwa sa P. Ocampo Street patungo sa kanilang destinasyon.

Samantala, ang mga patungo sa north ay dapat kumanan sa Ocampo Street, kaliwa sa Arellano Street, kaliwa sa Estrada Street, at kumanan sa Taft Avenue.

Ayon sa Manila PIO, asahan na ang matinding traffic sa mga nasabing araw.

(ai/mtvn)

Leave a Reply