‘Jumper boys’ tiklo sa MPD-SMaRT sa Tondo

‘Jumper boys’ tiklo sa MPD-SMaRT sa Tondo

MANILA — Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT) ang dalawang miyembro ng tinaguriang “Jumper boys” na nambibiktima sa mga driver ng.dumadaang truck sa may Mel Lopez Boulevard corner Jacinto Street Tondo sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PMajor.Edward Samonte, hepe ng SMaRT, ang mga suspek na sina Jefferson Tumbaga (19), at Jimboy Cocolio (30), kapwa taga-Tondo, Manila.

Nakumpiska sa dalawa ang isang sumpak at kalibre .38 na baril.

Nag ugat ang operasyon matapos na makatanggap ng reklamo ang SMaRT kaugnay sa nagkalat na “Jumper boys” sa may Road 10 sa Tondo.

Nabatid na nag-viral rin sa social media ang video na nakitang nambibiktima ng truck driver ang Jumper.boys.

Nang magsagawa ng operasyon ang pulisya sa lugar dakong alas-11 ng hatinggabi, nakita nila ang kahina-hinalang kilos ng dalawang suspek at nagtugma rin ang diskripsiyon ng mga ito sa nakitang nambibiktima ng truck driver.

Nang sitahin ang dalawa at kapkapan ay kapwa silang nakuhanan ng armas.

Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 kilala bilang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation sa Manila Prosecutors Office ang mga suspek.

(Kiara Lauren Ibanez/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply