Tagas mula sa busted water pipe ng Maynilad naaksyunan na matapos mailathala ng MTVN

Tagas mula sa busted water pipe ng Maynilad naaksyunan na matapos mailathala ng MTVN

Matapos mailathala sa Maharlika TV News nitong Lunes (31 Oct 2022) ang malayang bulwak ng tubig mula sa sirang water pipe ng Maynilad sa East Service Road, Barangay Alabang sa Muntinlupa City, ay maayos na ito ngayon matapos aksyunan ng water concessionaire.

Ayon sa photojournalitst na siyang kumuha ng photo, wala na itong tagas ngayon, sementado at maayos na. Sabi pa ng isang rider, na madalas rin mapadaan sa ESR, ay napansin rin diumano niya na naampat na ang bulwak ng tubig kaya aniya pa ay “good job” sa Maynilad at sa lokal na pamahalaan ng lungsod, at syempre sa MTVN.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply