DMW: Proteksyon ng OFW kabilang na sa bagong kontrata sa pagtatrabaho partikular sa Saudi

DMW: Proteksyon ng OFW kabilang na sa bagong kontrata sa pagtatrabaho partikular sa Saudi

Ni Liezelle Soriano

Overseas Filipino Workers jubilate upon their arrival (Photo courtesy by BusinessWorld Online)

MANILA — Sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople na magkakaroon ng country specific employment contract ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na magtatrabaho sa Saudi.

“For the first time magkakaroon na tayo ng country specific employment contract. Yung contrata na ito specific sa OFWs bound for Saudi,” ayon kay Ople nitong Sabado.

“Nandoon na yung insurance coverage para sa domestic workers. Ang magbabayad n’yan ‘yung Saudi employers. Yung insurance coverage din para sa skilled at construction workers ang magbabayad n’yan Saudi government. Ang covered insurance, kung sakali na bankrupt yung kompanya, sagot ng insurance ‘yung unpaid salaries,” dagdag pa niya.

“Hindi na mangyayari ‘yung katulad na noon – ilang taon na hindi pa nababayaran.”

Kabilang sa kasunduan ang pre-termination clause kung saan partikular na nagpapahintulot sa isang domestic worker na lumipat sa, o magpalit ng mga employer bago matapos ang kontrata batay sa mga partikular na dahilan, tulad ng hindi pagpapasuweldo at mga kaso ng pang-aabuso.

“Yung insurance ang magpapalit ng deployment costs sa ahensya at employment. So hindi na mangyayari yung kailangan ma-hostage yung OFW hanggat hindi naibabalik yung nagastos nila,” aniya ni Ople. (ai/mtvn)

Leave a Reply