Libo-libong siklista sumali sa Asia-Wide Bike event

Libo-libong siklista sumali sa Asia-Wide Bike event

MANILA — Tinatayang umabot sa 7,500 cyclist enthusiasts ang sumali sa “Asia-Wide Biking Event Against Climate Change” nitong Linggo kung saan ang mga lumahok para sa bansa ay pumadyak mula sa Quezon City Memorial Circle at nagtapos sa Maynila.

Iba’t ibang grupo ng mga siklista sa bansa ang lumahok na maaga pa lang ay nagsipuntahan na sa QCMC.

Ang layon ng event ay ipanawagan sa pamahalaan na papanagutin ang mga industriyang may kinalaman sa climate change.

Ang mga sumaling siklista ay nagmula sa siyam na bansa mula sa Asia na kinabibilangan ng Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Vietnam, Japan, Bangladesh, India, Pakistan at Nepal.

Idinaos ito bilang hudyat sa pagbubukas ng Climate Summit sa Egypt ngayong araw.

Matagumpay namang nasimulan ang biking patungong Maynila na wala namang naging aberya sa protestang ito sa pamamagitan ng Wide Biking

Ang event ay inorganisa ng Asian People’s Movement on Debt and Development (APMDD) kasama ang Philippine Movement for Climate C
Justice (PMCJ), Sanlakas, Oriang 350(dot)org Pilipinas, Institute for Climate and Sustainable Cities, (ICSC), The Climate Reality Project Philippines, Oxfam Philippines, Greenpeace Pilipinas, Caritas Philippines, The Firefly Brigade, Seklistang Pilipino, Galas Bikers Club at ang Aniban ng anggagawa ng Agrikultura.

Naging bahagi rin ang Pedal for People, Planet Bike Action Cycling Enthusias at mga ordinaryong siklista ay nakibahagi din sa naturang event.
Peter Lacang/BC

Leave a Reply