Media Task Force Riders for Charity, A Day With Love namahagi ng bigas sa Nasugbo kapalit ang plastic bottle bricks

Media Task Force Riders for Charity, A Day With Love namahagi ng bigas sa Nasugbo kapalit ang plastic bottle bricks

Limang kabang bigas ang ipinamahagi sa mga mamamayan dito sa Plaza De Roxas, Nasugbu Batangas ng Media Task Force Riders for Charity at ng A Day With Love kapalit ng kanilang plastic bottle bricks.

Ang Ecological project na ito ng grupo ay may temang “Save Our Earth, Make Eco Bricks” plastic kapalit ng bigas upang makahikayat na iwasang itapon ang plastic sa kung saan-saan kundi itabi at ipalit ng bigas.

Ang layunin ng charity project na ito ay makatulong sa Inang Kalikasan at sa mamamayan ng Nasugbu Batangas. (Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply