9 na kandidato sa pagka-Outstanding Employee ng taon ng Muntinlupa napili na

9 na kandidato sa pagka-Outstanding Employee ng taon ng Muntinlupa napili na

Hinirang na nitong Lunes (07 November 2022) sa programa ng “Awards and Incentives for Service Excellence” ng Praise Committee ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa ang siyam na nominado na tatanghaling ulirang mga empleyado ng lungsod para sa taong 2022.

Ang siyam na mga nominado ay sina (mula kaliwa) Suerlyn A. Gargoles, Ramel R. Batan, Rico Olanda, Junievien Delos Santos Leyte, Don Frederick V. Arciaga, Ray Joseph M. Cabatan, Rose Sharon P. Sorolla, Mary Grace G. Montoya at Roberto B. Unira.

Sila ang mga napili sa halos mahigit na 7,000 na empleyado ng City Hall ng Muntinlupa na maaring maging Outstanding Employee ng taon.

Anim sa kanila ay binigyan na ng Plaque of Recognition bilang Outstanding Employee sa taon ito. Ito ay sina Rose Sharon P. Sorolla (rank 1), Junievien Delos Santos Leyte (rank 2) at Don Frederick V. Arciaga (rank 3) ng 2nd quarter. Mary Grace G. Montoya (rank 1), Ramel R. Batan (rank 2) at Roberto B. Unira (rank 3) sa ika-3rd quarter kaninang umaga (November 7,2022).

Ang pagpili ay base sa kanilang, “exemplary performance and significant contribution, as a dedicated City Government employee, in order to achieve it’s vision and high standard of good governance” at mismong si Mayor Ruffy Biazon ang nag-abot ng parangal sa kanila bilang mga huwarang empleyado kasama ang lahat ng konsehal at City Administrator ng lungsod.

Ginagawa ang pagpili sa mga outstanding employee quarterly ng taon at hihimayin sa loob ng anim (6) na buwan, at daraan sa masusing pagtatanong ng mga panelists ang karapat-dapat na empleyado na mabigyan ng parangal base sa kanilang kasipagan, pagmamahal at tapat na pagsisilbi sa lungsod.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply