De Lima positibo sa COVID-19

De Lima positibo sa COVID-19

Ni Liezelle Soriano

Dating senador Leila de Lima (Photo courtesy of Manila Times)

MANILA — Tinaaman ng COVID-19 si dating Senador Leila De Lima, ayon mismo sa kanya nitong Lunes.

Sinabi ni De Lima na nag-test siya ng COVID-19 at positibo umano siya sa parehong antigen at RT-PCR test noong Linggo (06 NOvember 2022).

Sinabi ng nakakulong na dating senadora na nagsimula siyang makaranas ng mga sintomas ng COVID-19 pagkatapos niyang umatendi sa pagdinig ng isa sa mga kaso niya sa droga.

“When attending recent hearings in the two (2) remaining trumped-up charges, with practically jampacked courtrooms, I felt it was just a matter of time before contracting the virus,” ayon kay De Lima.

“So it is that last Saturday, Nov. 5, or a day after the hearing in one of the cases, I started having colds (runny nose), mild cough, itchy throat, and joint/body ache, a little feverish, which prompted the tests,” dagdag pa niya.

Kasalukuyang naka-self-isolation si De Lima.

“Now in self-isolation (nothing new for me) in my isolated detention quarters. Taking anti-viral meds as prescribed by my doctors. Resting, reading a novel, praying,” aniya. (ai/mtvn)

Leave a Reply