Kapakanan ng mga batang Maynila pagtuunan natin ng pansin — Mayor Honey Lacuna

Kapakanan ng mga batang Maynila pagtuunan natin ng pansin — Mayor Honey Lacuna

MANILA — “Pagtuunan natin ng pansin ang kapakanan ng mga bata sa Maynila.”

Ito ang panawagan ni Manila Mayor Honey Lacuna sa kanyang speech matapos ang flag ceremony bilang pakikiisa na rin ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa pagdiriwang ng “National Children’s Month” ngayong buwan

Kasabay nito ay inanunsyo rin ng alkalde na nilagdaan na niya ang dalawang Executive Orders na parehong naglalayong itaguyod ang pagprotesyon sa mga bata sa lungsod ng Maynila.

Sinabi ni Lacuna na ang pagdiriwang sa taong ito na nasa ika-30 taon na ay may napapanahong tema na nakatuon sa sa proteksyon ng karapatan, kalusugan, mental wellness at overall welfare ng mga bata.

Ayon sa alkalde ay nakakaalarma ang patuloy na pagtaas ng mga mental issues sa mga batang paslit, base na rin sa ipinapakita ng statistics kahit pa noong bago umiral ang pandemya. Taong 2015 ang mental health ay naitala bilang pangalawang dahilan ng libo-libong suicide-related deaths sa mga bata.

“Maraming kaso ng depression na nasa high school ay pawang may kinalaman sa exposure sa social media. Maging ang COVID ay nakaapekto. Dahil na rin sa mga problemang ibinungg ng mga pangyayari sa kasagsagan ng pandemya, paulit-ulit na lockdown, nawalan ng pagkakataon ang mga kabataan na lumabas, makihalubilo at magkaroon ng mga gawain,” wika pa ni Lacuna. (ai/mtvn)

(Kiara Lauren Ibanez/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply