Marcos tututukan ang food security at climate change sa pakikipagpulong sa APEC

Marcos tututukan ang food security at climate change sa pakikipagpulong sa APEC

Ni Liezelle Soriano

MANILA — Tututukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang food security at climate change mitigation sa kanyang pakikipagpulong sa mga kapwa lider sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Bangkok, Thailand.

Sa press briefing nitong Lunes, sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary for International Economic Affairs Eric Gerardo Tamayo na masigasig na tatalakayin ng Pangulo ang mga paraan upang matiyak ang food security sa kanyang mga katapat sa gitna ng mga kaguluhang dulot ng pandemya.

“The President will be calling attention to the need to ensure food security, energy security, and also the robust response of APEC economies to the challenge of climate change, adaptation, and mitigation,” ani Tamayo.

Ito ang unang pagkakataong dadalo si Marcos sa APEC Economic Leaders’ Meeting (AELM) sa Nobyembre 16-19 bilang Pangulo ng Pilipinas.

Sinabi ni Tamayo na ito ay nagsisilbing isang magandang pagkakataon para sa Pangulo na itulak ang APEC upang buhayin ang tungkulin nito bilang “driver” ng global economic growth.

“If you may recall, prior to the pandemic, the Asia Pacific Region had been the significant driver of global economic growth… This economic growth trajectory was disrupted by the COVID-19 pandemic,” aniya.

“So the challenge before us is to facilitate the rapid recovery of economies from arising out of the pandemic and also to undertake the necessary measures to also counter these disrupted forces that affect the current economic situation around the globe. That is something that the President will push for, recalling the significant role laid by APEC in driving global growth and globalization in the world,” giit pa ni Tamayo.

Leave a Reply