Tinuturong ‘mastermind’ sa pagpaslang kay Percy Lapid sinampahan na ng kaso

Tinuturong ‘mastermind’ sa pagpaslang kay Percy Lapid sinampahan na ng kaso

Sinampahan na ng kasong murder sa Department of Justice ang tinuturong mastermind sa pagpatay kay Radio broadcaster Percy Lapid na sina dating Bureau of Correction Director General Gerald Bantag at isang nagngangalang Ricardo Zulueta na isa ring opisyal ng Bucor matapos silang ituro ng inutusan nilang preso at nagkatugma-tugma ang mga salaysay nila sa
National Bureau of Investigation, Philippine National Police at DOJ.

Magkakasamang dumating sa DOJ para magsamapa ng kaso sina Department of Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr., NBI Director Medardo De Lemos, at PNP Chief PGen.Rodolfo Azurin Jr at NCRPO Chief PBGen Jonnel Estomo.

(Kiara Lauren Ibanez/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply