TRASLACION 2023 KANSELADO PA RIN

TRASLACION 2023 KANSELADO PA RIN

Ni Benjamin Cuaresma

MANILA — Wala pa ring magaganap na Traslacion ng Itim na Poong Nazareno sa Enero 2023, ayon sa pamunuan ng Quiapo church nitong Lunes (07 November 2022).

Nagpahayag ang Communications Department ng Quiapo Church na ang pinakahihintay na tradisyonal na selebrasyon na Traslacion ay siguradong hindi pa rin matutuloy bagama’t wala pa ring patid ang ginagawang paghahanda.

Ang naturang selebrasyon ay isa sa pinaka-inaabangang kaganapan ng mga deboto ng Itim Na Poong Naareno taon-taon ng hindi lamang mga deboto kundi pati na rin lokal at mga dayuhang turista na gustong masaksihan ang selebrasyon na umaabot hanggang sa isang milyon ang umaatend.

Pormal na mag-aanunsiyo ang simbahan sa mga darating na araw hinggil sa maaaring kaganapan na mailapat ang mga aktibidad at pinapayuhan ang mga deboto na abangan ito.

Ayon pa sa Quaipo church, tuloy pa rin naman ang selebrasyon ng Pista ng Itim na Nazareno ngunit ang taunang Traslacion ay kanselado pa dahil mayroon pang lumalabas na mga kaso ng Covid-19 magpahanggang sa ngayon. (ai/mtvn)

Leave a Reply