3 NGO ginawaran ng ‘Plaque of Recognition’ ng lungsod Maynila sa kanilang malaking tulong

3 NGO ginawaran ng ‘Plaque of Recognition’ ng lungsod Maynila sa kanilang malaking tulong

Pinangunahan ni Mayor Honey Lacuna-Pangan ang pagkilala sa kontribusyon ng tatlong non-government organizations bilang pakikiisa ng lungsod sa ika-30 na taon ng National Children’s Month.

Ang mga NGO na ito na ginawaran niya ng labis na pagkilala o Plaque of Recognition ay ang Humanitarian Legal Assistance Foundation, Plan International, at ASMAE Philippines.

Nagpahayag ng pasasalamat ang alkalde sa mga ito na nagsilbing kasangga ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa layunin nitong makalinga, mapangalagaan at maprotektahan ang mga Batang Maynila.

Sa kanyang pahayag ay hinikayat niya ang mga Manileño na “gabayan, alalayan, turuan, at pakaingatan” ang mga Batang Maynila.

Ayon kay Pangan, may 2,308 mula sa 24,297 na kabataang nasa daycare ang nabigyan ng educational assistance sa kasalukuyan.

Maliban dito, mayroon ring 3,374 na biktima ng child abuse ang natulungan.

(Kiara Lauren Ibanez/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply