Bantag, pinayuhan ni Sen. Dela Rosa na harapin ang kaso

Bantag, pinayuhan ni Sen. Dela Rosa na harapin ang kaso

By Liza Soriano

MANILA — Dapat harapin ni suspended Bureau of Correction ( Bucor) chief Gerald Bantag ang kasong isinampa laban sa kanya kaugnay sa umano’y pagpatay sa veteran broadcaster na si Percy Lapid.

Ito ang mungkahi ni Sen. Ronald ” Bato ” dela Rosa makaraang sampahan ng kaso sa Department of Justice ( DOJ) si Bantag, kasama ang iba pa.
Si Bantag at Deputy Security officer Ricardo Zulueta at ilan pang inmates sa Bilibid ay nahaharap sa kasong pagpatay laban sa veteran broadcaster na si Percy Lapid at ang umano’y middleman sa kaso na si Jun Villamor batay sa anunsyo ni Justice Secretary Boying Remulla.

Sinabi ng mambabatas, na dati na ring Philippine National Police chief, na walang dapat ikatakot si Bantag kung wala itong itinatago sa batas.

Sakaling makulong si Bantag, sinabi rin ni Bato na maaari namang ibukod ang suspended BuCor chief mula sa mga ibang inmates tulad ng ginawa kay Sen. Leila De Lima na nakadetine sa PNP Custodial Center. (ai/mtvn)

Leave a Reply