‘Little Mayor meets Big Mayor’ ng Muntinlupa City

‘Little Mayor meets Big Mayor’ ng Muntinlupa City

Kausap ni Mayor Ruffy Biazon ng Muntinlupa City si Carlos Briggs San Pedro, Grade 6 student ng Alabang Elementary school na tinaguriang Little Mayor ng City Hall ng Muntinlupa na naka-duty ngayong araw ng Martes (08 November 2022).

Ipinapaliwanag ng “Big Mayor” sa “Little Mayor” sa tagpong ito ang mga tungkulin, gawain, obligasyon at trabaho bilang isang local chief executive o bilang ama ng lungsod.

Maliban sa Mayor, ang mga Little Officials na ini-immerse sa trabaho bilang mga elected little officials sa iba’t ibang roles ay bilang Congressman, Vice Mayor, Councilor, at iba pang kawani ng pamahalaan.

Layunin ng programang ito na-mainspire ang mga kabataan na maglingkod sa bayan at mamutawi sa puso nila ang pagseserbisyo sa publiko sa murang edad pa lamang.

Umaabot sa isang linggo ang programang ito ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa na layong maimulat ang mga kabataan sa paglilingkod sa bayan.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply