Mga nakatenggang Balikbayan Boxes delivered na bago mag-Pasko — BOC

Mga nakatenggang Balikbayan Boxes delivered na bago mag-Pasko — BOC

(Photo Courtesy of Manila Bulletin)

Ni Benjamin Cuaresma

MANILA — Ayon sa Bureau of Customs nitong Martes, ang mga nakatenggang Balikbayan Boxes ay siguradong darating na sa kani-kanilang address bago sumapit ang Kapaskuhan.

Sinabi ni BOC spokesperson Arnold De La Torre na patuloy na pinoproseso ang may 3,000 na mga Balikbayan Boxes ng kanilang tanggapan at sinisikap na makarating sa mga pamilya ng OFWs.

Kaagapay rito ng BOC ang forwarder na FR Agbay Enterprises.

Nakipag-usap na rin ang pamunuan ng BOC sa Department of Migrant Workers (DMW) upang bigyang babala ang overseas Filipino workers hinggil sa mga kapalpakan ng operasyon ng CMG International Movers, Island Kabayan Express Cargo at Win Balikbayan Cargo.

Hinimok din ng BOC na maghain ng personal na reklamo ang mga OFW sa nasabing carriers na nagpabaya sa kanilang mga padala.

Nakausap na rin ni De La Torre ang Dept. of Trade and Industry-Fair Trade Enforcement Bureau (DTI-FTEB) para mapanagot ang mga kompanyang sangkot sa nasabing pagkatengga ng may 3,000 Balikbayan Boxes sa BOC.

Panawagan ni De La Torre sa mga pamilya ng mga nagmamay-ari ng mga Balikbayan Boxes na hintayin na lamang nila sa kanilang tahanan ang mga ito. (ai/mtvn)

Leave a Reply