Panawagan sa DSWD: ‘Mga taong palaboy iahon sa mga lansangan’

Panawagan sa DSWD: ‘Mga taong palaboy iahon sa mga lansangan’

Sa isang taong palaboy, ang buong kapaligiran na abot ng kanyang tanaw ay maituturing na kanyang tahanan tulad na lamang ng nasa larawan na kahit mataas na ang araw ay mahimbing pa ring natutulog sa gilid ng daan sa may East Service Road, Barangay Alabang, Muntinlupa City.

Sa kabila ng ingay ng paligid sa mga bus at jeepney na nagdaraan, at lantad ang kanyang katawan sa alikabok at usok sa mga tambutso ng sasakyan, ay mahimbing ang kanyang pagkakatulog.

Gayunpaman, nararapat pa rin seguro ang karampatang aksyon dito ni Department of Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo upang maihango sila sa mga lansangan dahil tiyak na hindi lamang siya nagiisang ganito sa hirap ng buhay ngayon.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply