Mga residente ng Lawang Bato nakatanggap ng maagang pamasko

Mga residente ng Lawang Bato nakatanggap ng maagang pamasko

Gaya ng dati, nag-ikot sa bahay-bahay ang mga tauhan ni Ka Francis Soriano ng F.C. Scap Trading sa kanilang barangay na matatagpuan sa Barangay Lawang Bato, lungsod Valenzuela, upang mamahagi ng maagang pamasko gaya ng karne ng manok at baboy nitong Miyerkules (09 Nov 2022)

Tuwang-tuwa naman ang lahat ng nabiyayaan ng grasya dahil instant diumano na may pang ulam na sila sa kawangggawa ni Ka Francis at Solomon “Ka Sol” Jober na naging tradisyon na ng taon-taon na pamamahagi ng tulong sa kanyang kapwa.

Bukod sa mga residente na kanilang nabibigyan ng tulong, ay namamahagi rin ito ng mga kagamitan gaya ng face mask, alcohol, damit, at laruan sa mga kapulisan na nagsasagawa ng Outreach Program para sa mga kabataan sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) area. (Aj Rabulan/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply