‘Paalala: Kapag umangkas sa motorsiklo, magsuot ng crash helmet’

‘Paalala: Kapag umangkas sa motorsiklo, magsuot ng crash helmet’

HUwag naman sana ngunit, isang pagkakamali ay disgrasya ang maaaring abutin ng batang estudyanteng ito na kampanteng inangkas ng kanyang ama sa likuran ng motorsiklo upang ihatid sa eskulahan na walang helmet.

Natiyempuhan ng Maharlika TV News ang mag-ama habang binabaybay nila ang kahabaan ng West Service Road, Barangay Sukat, Muntinlupa City patungong school nitong Miyerkules (09 Nov 2022).

Maging responsable sana ang mga magulang sa paghahatid ng kanilang mga anak sa paaralan. Oras na iangkas ang mga bata ay dapat na may suot na crash helmet bilang proteksiyon at ito naman ay isang batas na dapat sundin ng lahat.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply