Pamahalaang lungsod ng Navotas nagpaabot ng ayuda sa mga nasunugan sa Bgy. San Roque

Pamahalaang lungsod ng Navotas nagpaabot ng ayuda sa mga nasunugan sa Bgy. San Roque

AGAD na nagpaabot ng ayudang food packs, blankets, banig, hot
meals, at hygiene kits ang pamahalaang lungsod ng Navotas sa
pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office at City
Health Office sa mga pamilyang nasunogan sa Monteloyola Street, Barangay San Roque.

Nagsagawa rin ng check-up at namahagi ng vitamins ang San Roque Health
Center para sa mga bata at matatanda upang masiguro na nasa maayos na
kondisyon at kalusugan ang mga ito.

Umabot sa 20 na bahay ang naabo sa sunog na nagsimula dakong alas-3:40 ng madaling araw nitong Nobyembre 8, 2022 at mabilis na kumalat dahil dikit-dikit ang mga bahay na gawa sa light materials.

Ayon kay Vonne Villanueva, hepe ng Navotas City Disaster Risk Reduction and Management Office, naiwang kandila ang pinagmulan ng sunog at sa kabutihang palad ay wala namang nasawi o nasaktan sa insidente.

Kasalukuyang nanunuluyan sa Kapalaran Basketball Court ang 50 pamilyang naapektuhan ng sunog.

(Aj Rabulan/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply