Pension ng senior citizens ng Navotas tuloy-tuloy ang pamimigay

Pension ng senior citizens ng Navotas tuloy-tuloy ang pamimigay

TULOY-TULOY ang pamamahagi ng senior citizen social pension ng Department of Social Welfare and Development sa lungsod ng Navotas.

Para sa mga barangay na sakop ng District 1, kailangang magtungo sa Kapitbahayan Multi-Purpose Hall sa North Bay Boulevard South,
Kaunlaran Barangay Hall upang i-claim ang kanilang mga pension, ayon sa local officials.

Sa S. Roldan Covered Basketball Court naman ang pamamahagi para sa mga
barangay na sakop ng District 2.

Pinaalalahanan ang lahat ng mga magtutungo na manatiling sundin ang tamang schedule sa pag-claim upang maiwasan ang dagsa ng mga tao at hindi magkaproblema. (Aj Rabulan/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply